Ating Baybayin (Our Filipino Script)
translate to baybayin translation tips Learn about Baybayin from Hector Santos. other links Etsetera

Baybayin greeting cards now available
at the eaglescorner.com online store.


Pumapatak na naman ang ulan

Sa bubong nang bahay,

Di maiwasang gumawa

Nang di inaasahang bagay.



Lak-lak nang lak-lak

Nang bir nang magdamagan

May kahirapan

At di maiwasan.



Mabuti pa kaya

Matulog ka na lang

At baka sumakit ang tiyan.



Ang araw ko'y nabubusisi,

Ako ang nasisisi,

Bakit ba sila ganiyan.



Radiyo, Tibi,

at manga lumang komiks,

Wala nang ibang mapaglibangan

At kung mayroon kang tatawagan,

tirenta sentimos ikay makakaltasan.



Kumukumpas ang paa

sa tunog nang tugtuging bago

Hanggang kumpas ka na lang

At di mo na alam ang tono.



Ubos na rin ang bir

Kaya kape na lang

Lahat sinusubukan

kahit walang pulutan



Ang buhay nang tamad

Walang hinaharap

Ni kaunting sarap man lang.



Pumapatak na naman ang ulan.
table of symbols reading examples Frequently Asked Questions/Translations email the webmaster Eagle's Corner Web Design