Ating Baybayin (Our Filipino Script)
translate to baybayin translation tips Learn about Baybayin from Hector Santos. other links Etsetera

Baybayin greeting cards now available
at the eaglescorner.com online store.


Magmula noong ako'y

natutong umawit

Naging makulay ang aking

munting daigdig



Tila ilog pala ang paghimig

Kung malalim, dumadami'y pag-ibig

Kung umaapaw, ang kaluluwa'y tinig

Ay sadiyang nanginginig



Magmula noong ako'y

natutong umawit

Bawa't sandali'y

aking pilit mabatid



Ang himig na maituturing atin

Mapupuri pagka't bukod-tangi

'Di marami ang 'di magsasabing

Heto na't inyong dinggin



Kay ganda nang ating musika

Kay ganda nang ating musika

Ito ay atin, sariling atin

At sa habang buhay, awitin natin



Kay ganda nang ating musika

Kay ganda nang ating musika

Ito ay atin, sariling atin



Magmula noong ako'y

natutong umawit

Nagkabuhay muli

ang aking paligid



Ngayong batid ko na ang umibig

Sa sariling tugtugin o himig

Sa isang makata'y naririnig

Manga titik, nagsasabing



Kay ganda nang ating musika

Kay ganda nang ating musika

Ito ay atin, sariling atin

At sa habang buhay, awitin natin



Kay ganda nang ating musika

Kay ganda nang ating musika

Ito ay atin, sariling atin

At sa habang buhay, awitin natin
table of symbols reading examples Frequently Asked Questions/Translations email the webmaster Eagle's Corner Web Design