St. Andrew Parish Online

Balang Araw

Balang araw ang liwanag, matatanaw ng bulag;
Ang kagandahan ng umaga, pagmamasdan sa tuwina.

Balang araw mumutawi ang bibig ng mga pipi
Pasasalamat at papuri, awit ng luwalhati.

Koro:
Aleluya! Aleluya!
Narito na'ng Manunubos.
Luwalhatiin ang Diyos!

Balang araw tatakbo, ang pilay at ang lumpo,
Magsasayaw sa kagalakan, iindak sa katuwaan.

Luwalhatiin...Luwalhatiin ang Diyos!

Return to the Music page.

Audio Clips


MIDI File
(13.8KB)