Kay Hesus na Nakabayubay
Ateneo High School Class 1A '79
O. Pagsanghan, R. Miranda
Refrain:
Hesus na sa Krus nakabayubay
Inialay sa akin pati buhay
Ikaw ang sa aki'y maging gabay
Sa pagbubukas ng aking kamay.
Bukas ang 'Yong duguang kamay,
Sa kaibigan man o kaaway.
Gawing bukas din pati aking buhay,
Nang sa kapwa ko, sarili'y maialay. (Ref.)
Pagka't kung hanap ko ay Ikaw,
Sa kapwa ko Kita matatanaw
Sa nagtitiis ng gutom at uhaw,
Higit nga kitang maaaninaw. (Ref.)
Bigyan Mo ako ng 'Yong lakas,
Nang katulad Mo ay mangahas.
Tumahak sa anumang landas,
Masundan lang ang Iyong bakas. (Ref.)
Return to the Music page.
|
Audio Clips
Real Audio
(26 sec, 51KB)
MIDI File
(45.5 KB)
|
|