Kuya Jess
Tulad ko'y isang tupa na naligaw, tulad ko'y anak na naglayas;
Ngunit sa pag-alis , mayroong natanaw na pag-asa bukas.
Refrain:
Kuya Jess, kami'y sundan, h'wag pabayaang mag-isa,
Sa kalamigang nararanasan naming makasalanan.
Tulad ko'y isang dahon na nalagas mula sa punong mataas;
Sa puno ng buhay, ng sangkatauhan, sa puno ng pagmamahalan.
Refrain:
Kuya Jess, kami'y sundan, patnubayan at tulungan.
H'wag kaming tatalikuran, kaming makasalanan.
Tulad ko'y isang rosas na nalanta, naghinanakit sa pangako ng ulan,
Nagtago't nagkubli, ayaw man lang maglahad ng sarili.
Fin.:
Kuya Jess, Kuya Jess,
Kuya Jess, Kuya Jess,
Kuya...Jess.
Return to the Music page.
|
Audio Clips
MIDI File
(9.93 KB)
|
|