Kaibigan
Mula sa "Sa Kaharian ng Araw"
J. Pagsangahn, O Pagsanghan, M. Agconcillo
Ika'y aking kaibigan.
Kay raming pinagsamahan.
Ngayon ako'y kailangan,
Paano kitang iiwan?
Anumang tarik ng bundok,
Sasama ako sa taluktok.
Kung rurok dagat ang siyang alok,
Kasama mo akong aarok.
Anumang lagim ng bangin,
Anumang bangis ng hangin,
Malaglag man mga bituin,
Makaaasa ka sa akin.
Return to the Music page.
|
Audio Clips
Real Audio
(34 sec., 69 KB)
MIDI File
(3:22 min., 19 KB)
|
|