Panalangin ng Pagiging Bukas-Palad
Panalangin ni San Ignacio de Loyola
himig ni J. Arboleda & M. Francisco, SJ
Panginoon, turuan Mo akong maging bukas-palad.
Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo,
Na magbigay ng ayon sa nararapat,
Na walang hihintay mula sa 'Yo;
Na makibakang di inaalintana, mga hirap na dinaranas;
Sa twina'y magsumikap na hindi humahanap
Ng kapalit ng kaginhawahan;
Na di naghihintay kundi ang aking mabatid,
Na ang loob mo'y siyang sinusundan.
Panginoon, turuan Mo akong maging bukas-palad.
Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo,
Na magbigay ng ayon sa nararapat,
Na walang hihintay mula sa 'Yo.
Return to the Music page.
|
Audio Clips
Real Audio
(54 sec, 106KB)
MIDI File
(14.1 KB)
|
|